If you're wondering why there hasn't been a lot of activity since last friday, ito po ay dahil sa bagyong si milenyo. Hanggang ngayon po ay wala paring koryente sa LB. Buti nalang at nakauwi na ako dito sa rizal kaya naka net ulit ako. Pagpray po natin ang mga kapatid natin sa lb at ang mga iba pa po na nasalanta ng bagyo. Especially pray for the family of kuya Eric Perez na makarecover sila sa pinsala nung bagyo.
Sa putho po ay nagkaroon ng landslide. Naputol ang hanging bridge sa uplb. Maraming na-uproot na puno pero si DAO buhay parin. Madaming wasak na poste. At maraming bahay at apartment na parang ang mga nakatira dito ay naglaro ng jumanji. Masaya parin naman po kami ngayon sa mga apartment. Nakapagtagutaguan pa kami, nakakuha ng maraming rambutan, at nakapagbonding. Marami din kaming natutunan. We spent more time in the word and in fellowship with one another (syempre wala na kasing distractions - although may mga bukas pang computer shop! naggenerator pa talaga! Wala talaga patawad

...
Magpopost po kami ng Video later, hinihintay ko lang po si mark na makarating na dito sa amin para maupload na yung ginawa naming coverage. Stay tuned!
And again, pls pray for LB
