May nangyari po sa pinsan ko na si Ellie... Nanakaw po ang account nya. Please read the details below:
Ellie wrote:
> hi ated!!!uu alam ko na, actually pinaiimbestigahan ko na. Pero wala pang update. Hindi niya ginagaya no, na-access niya talaga ang acct ko. At sa philippines sha nakabased. So yung binigay nyang bank acct eh tinawagan ni tatay at pinaveverify na niya. tapos yung binigay naman niyang address ng work niya eh tinawagan ko na. sunpower corp sa laguna siya nagwowork. Good thing dito sa US ang main company nila kaya nakipagcoordinate na ko.
>
> Actually ulit, na-access niya acct ko at nag-email sha kay tatay na kunlari ako sha at nagrerequest ako na magpadala si tatay ng money para sa friend ko, na nakaaddress sa kanya. Eto namang si tatay muntik nang kumagat! buti nga nahabol ko. Tapos, di pa nakuntento, Gumawa sha ng similar acct ng kay tatay at inemail naman ako. Kunyari naman sha si tatay at nagpapabili sa kin ng imac laptop at video para sa inaanak niya at gamitin ko ang bank acct ni tatay sa pagbabayad. Eh ang engot naman niya kasi yung name na binigay niya para sa bank acct niya eh pareho sa name na pagpapadalhan ko if ever nung pinapabili nya. In short, gusto niyang lokohin si tatay using my acct para mapadalhan siya ng money, at gusto naman niya akong lokohin using a 'similar' acct ni tatay para mapadalhan siya ng apple laptop at video. Kapal nga eh nakakainis.
>
> His name is christian li, baka pwede kang magpakalat ng email msges sa mga pipol para maging aware din sila. Taga-laguna pa nga eh. Anu bang email add mo? i-sesend ko sayo mga exchange emails nila ni tatay using my acct, at exchange emails namin niya using quite a similar acct of tatay.:-)
>
> Diba ikaw din eh naganun na din? naku lapitin ata tayo!hehehe
>
>
....
If you know something about this Christian LI, please tell us kasi makakatulong talaga. Baka po may makatulong. We need to report this guy fast bago sya makabiktima ng iba.
At sa mga gumagamit ng internet sa shop, be sure na trusted ninyo ang may-ari ng shop kasi di nyo alam baka may nakainstall na program na kumukuha ng passwords at username. Mag webjam nalang kayo para safe eheheheh (nagpromote pa daw eh no? ) or any Trusted shops you know...